Miyerkules, Oktubre 8, 2014

Talumpati

BUWAN NG WIKA:
“Filipino:WIKA ng pagkakaisa”


Ang Unibersidad ng Panpacific University North Philippines ay muli na namang ipinagdiwang ang isa sa mga pinakahihintay na okasyon ng mga mag-aaral upang ipamalas ang kanilang kakayahan o talento sa mga ibat-ibang uri ng pagpapahayag sa pamamagitan ng sariling wika na alinsunod ito sa paksang diwa:   “FILIPNO:WIKA ng pagkakaisa”
Ang nasabing tema ng buwan ng wika ay nagsilbing ugat ng programa upang gisingin ang kamalayan ng mga musmos na kaisipan ang kahalagahan ng ating Inang Wika sa kanilang araw-araw ng pagsasalamuha sa lipunan. Ito rin ay naging pamantayan ng talakayan para sa mabisang pagturo na may kinalaman hinggil sa mga rehiyonal na dayalekto at sa ang paggamit ng mga akmang genre 

Nagsimula ang programa sa buwan ng Agosto, 2014 sa silid-aralan ng mga mag-aaral na nasa una at ika-apat na lebel. Nagkaroon ng munting talakayan at orientasyon patungkol sa tema at sa planong mangyayari sa loob ng isang buwan na pinangunahan ni Bb. Maria Martha Mannette Madrid, [Dekana].
Ika-18 ng Agosto naganap  ang patimpalak na sanaysay na inumpisan sa oras na 9:00-10:00 ng umaga na ginanap sa University Library na Pinangasiwaan ni Gng. Rolanda Paris na sa huli  ang unang gantimpla ay nakuha nina Cares Hanarell O. Casuncad at Shirlyn Rivera ang pangalawang gantimpala naman ay napunta kay Christensen Angelo T. Najorda at  Jelly Rose G. Suprad.
Samantalang noong ika-19 ng Agosto (Martes) isinagawa ang patimpalak na Pagsulat ng tula kung saan ang bawat kalahok ay ipinamalas ang angking katalinuhan sa paggawa ng nasabing patimpalak.Idinaraos ang aktibidad na ito sa University Library na Pinamunuhan ni Gng. Japeth Purisima. Tuloy tuloy parin ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at noong  Ika-20 ng Agosto (Miyerkules) naganap naman ang Paglikhang Poster/Islogan. Dito sa aktibidad na ito sumali ang mga estudyanteng may natatanging abilidad sa larangan ng sining .Sadyang kahali halina ang mga nagawang mga poster/slogan ng mga kalahok ngunit si Sabino Carino ang may di matatawarang galing  sa sining.Siya ang nagkamit ng unang gantimpala. Sa sumunod na araw  naganap naman ang Biglaang Talumpati ito ay sa Buwan ng Agosto 29 2014 na Pinamunuhan ni Bb. Amella Capellan at ang Pinagdausan ay sa PB. 214 , dito nagtagisan ng taleno ang bawat kalahok upang sila ay magwagi sa patimpalak na ito pero mas nangibabaw ang kagalingan ng mananalumpating si Jhamil Ocampo na nakuha ang unang gantimpala at ang pangalawang gantimpala naman ay napunta kay Jenalyn Galvez.Siyempre sa pagpupugay sa ating wika hindi mawawala ang katutubong sayaw dahil parte ito ng ating kultura kung saan mas nakikilala tayo saan mang panig ng mudo dahil sa ating wika at katutubong sayaw na kung saan ito ay kakaiba sa lahat. Ang Paligsahan ng katutubong sayaw ay nangyari sa Sekyon ng BEED 1. Dito nagtagisan naman ang mga estudyante na hindi maikakailang may iba’t ibang istilo sa pagsayaw. Buong indak ang BSE 2A kaya naman sa kanila napunta ang unang gantimpala, katulad ng nagkamit ng unang gantimpala hidi maikakailang ginawa ng Buong pusong  sumabay sa awit ang Bse 3 kaya naman nakuha nila ang pangalawang gantimpala at ang pangatlong gantimpala naman ay nakamit ng BSE 1A.Sumunod na araw naganap ang patimpalak na “A Capella” na ang namuno ay si Gng. Rolando Paris. Ang nasabing patimpalak ay nangyarin sa silid aralan ng Bse 1A. Ang nagkamit ng Pangatlong gantimpala ay naggaling sa BSE 1A. At ang Pangalwang gantimpala ay mula sa BEED 2. At ang mas nangibabaw sa patimpalak na ito ay ang Bse 2A.
Bago matapos ang programa sa nasabing  pagdiriwang  ay may huling aktibidad na naganap ito ay  ang “Sabayang Pagbigkas” .Nakilahok ang mga estudyanteng may galing sa pagbibigkas ng iba’t ibang piyesa  mula sa mga kilalang mga awtor. Masasabing lahat ng  sumali ay mahuhusay pero mas  nakitaan ang BSE 2b na siyang unang nagkamit ng gantimpala dahil sa natatanging galing nila sa maturang patimpalak at ang pangalawang gantimpala naman ay nasungit ng BSE 1B. Lahat ng  nakilahok sa mga aktibidad sa ating pagdiriwang ay pawang mahuhusay dahil sa kanila mas naging maganda ang takbo at mas naging makulay at ating buwan ng wika.

Wala nang mas hihigit pa sa ating wika  kayaman natin ito bilang isang Pilipino. Ito ang tatak at simbolo natin at siyang nagbibigkis sa atin bilang isang Pilipino na masasabi natin na tayo’y Pinagpala dahil sa ating wika.Pagyamanin at Ipagmalaki pa natin iton upang mas angat tayo sa iba. 

Test Questions Items salin ng Filipino

Panpacific University North Philippines
Lungsod Urdaneta
Lalawigan ng Pangasinan

Ikaapat na Panahunang Pagsusulit, Pagbuo ng iba’t-ibang Uri ng Pagsusulit
Unang Semestre, Taong Panuruan 2014 – 2015

Pangalan:________________________                                               Petsa:__________________
Taon/Pangkat:____________________                                               Iskor:__________________

I. Pagpili. Panuto:Piliin at isulat lamang ang letra ng iyong sagot bago ang tambilang.
_____ 1. Ang pagsusulit na correction formula ay maaring gamitin sa?
                        A. Ika-6 na Baitang sa Hayskul          C. Kindergarten
                        B. Ikatatlong Baitang sa Hayskul       D. Kolehiyo
_____ 2. Ang pagsusulit na correction formula of score equals one-half wrong ay gamitin sa?
                        A. Apat na opsyon ng pagsusulit        C. Sampung opsyong pagsusulit
                        B. Limang opsyon ng pagsusulit         D. Tatlong opsyong pagsusulit
_____ 3. Uri ng pagsusulit na pagpapare-papreho sa unang bahagi grupo ay may kaugnay sa          ikalawang grupo.
                        A. Analohiya                                       C. Pagtapat-tapatin
                        B. Maraming Pagpipilian                    D. Tama o Mali
_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa grupo.
                        A. Analohiya                                       C. Maraming Pagpipilian
                        B. Completion                                     D. Pagtapat-tapatin
_____ 5. Isang paktor sa paggawa ng isang pagsusulit na kung saan isinasaalang-alang ang            pisikal na kalusugan at mental na pag-iisip ng mga mag-aaral ay?
                        A. Diskriptib                                       C. Progresibo
                        B. Kooperatib                                     D. Suhestibo
_____ 6. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa input?
                        A. Approaches                                                C. Techniques
                        B. Strategy                                          D. Resources
_____ 7. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sathroughput?
                        A. Estratehiya                                     C. Obhektibo
                        B. Kurikulum                                      D. Resources
_____ 8. Ang kurikulum ay kabilang sa?
                        A. Input                                              C. Shotput
                        B. Output                                            D. Throughput
_____ 9. Alin sa mga sumusunod na M sang nagpapakita ng mga nagtapos na may trabaho?
                        A. Manpower                                      C. Machinery
                        B. Marketing                                       D. Money
_____ 10. Ang obhektibo ay kabilang sa?
                        A. Input                                              C. Shotput
                        B. Output                                            D. Throughput

II.  Tama o Mali. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ng pangungusap ay tama at MALI kung ang pahayag ay mali.
______ 1. Layunin ng criterion-reference na malaman ang mahihinang mag-aaral sac lase.
______ 2. Ang item analysis ay nagbibigay ng kaalaman sa maayos na paggawa ng pagsusulit.
______ 3. Layunin ng criterion-reference nasukatin ang kakayahan ng isang mag-aaral.
______ 4. Ang isang item na may negatibong sagot ay kinakailangang iulit muli.
______ 5. Ang talahanayan ng espisipikasyon ay isang paraan upang makita ang obhektibo ng                       ginawang pagsusulit.
______ 6. Ang obhektibong pagsusulit ay may kahirapan sa paggawa.
______ 7. Ang pagsusulit na pagpapaliwanag ay madali lamang bigyan ng puntos.
______ 8. Ang correction ana formula ay ginagamit lamang sa apat na opsyon g pagsusulit.
______ 9. Ang maximum na items sa pagsusulit na pagtapat-tapatin ay dalawampu lamang.
______ 10. Ang pagsusulit na pagpapaliwanag ay nagdedebelop ng pag-unawa sa mag-aaral.
III. Pagpapaliwanag. Panuto: Isulat sa ibabang bahagi ang iyong paliwanag.

1.Ipaliwanag ang 7NCBTS domayns. (10 puntos)
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Gumawa ng tatlong obhektibo base sa iyong kurso gamit ang tatlong domayns.(10 puntos)
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Sa iyong sariling pagpapaliwanag. Ano ang mas maigi, criterion-reference o norm-reference? Bakit? (10 puntos)
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________






           
Inihanda ni:                                                                                        


KIMBERLY MARIE C. PADILLA                                 


Iwinasto nina:


AMELIA CAPELLAN-LACSAMANA
Instruktor, Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro



MARIA MARTHA MANETTE A. MADRID, Ed.D
Dekana, Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro





 
Panpacific University North Philippines
Lungsod Urdaneta
Lalawigan ng Pangasinan

Ikaapat na Panahunang Pagsusulit, Pagbuo ng iba’t-ibang Uri ng Pagsusulit
Unang Semestre, Taong Panuruan 2014 – 2015

Pangalan:________________________                                               Petsa:__________________
Taon/Pangkat:____________________                                               Iskor:__________________

I. Pagpili. Panuto:Piliin at isulat lamang ang letra ng iyong sagot bago ang tambilang.
_____ 1. Ang pagsusulit na correction formula ay maaring gamitin sa?
                        A. Ika-6 na Baitang sa Hayskul          C. Kindergarten
                        B. Ikatatlong Baitang sa Hayskul       D. Kolehiyo
_____ 2. Ang pagsusulit na correction formula of score equals one-half wrong ay gamitin sa?
                        A. Apat na opsyon ng pagsusulit        C. Sampung opsyong pagsusulit
                        B. Limang opsyon ng pagsusulit         D. Tatlong opsyong pagsusulit
_____ 3. Uri ng pagsusulit na pagpapare-papreho sa unang bahagi grupo ay may kaugnay sa          ikalawang grupo.
                        A. Analohiya                                       C. Pagtapat-tapatin
                        B. Maraming Pagpipilian                    D. Tama o Mali
_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa grupo.
                        A. Analohiya                                       C. Maraming Pagpipilian
                        B. Completion                                     D. Pagtapat-tapatin
_____ 5. Isang paktor sa paggawa ng isang pagsusulit na kung saan isinasaalang-alang ang            pisikal na kalusugan at mental na pag-iisip ng mga mag-aaral ay?
                        A. Diskriptib                                       C. Progresibo
                        B. Kooperatib                                     D. Suhestibo
_____ 6. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa input?
                        A. Approaches                                                C. Techniques
                        B. Strategy                                          D. Resources
_____ 7. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sathroughput?
                        A. Estratehiya                                     C. Obhektibo
                        B. Kurikulum                                      D. Resources
_____ 8. Ang kurikulum ay kabilang sa?
                        A. Input                                              C. Shotput
                        B. Output                                            D. Throughput
_____ 9. Alin sa mga sumusunod na M sang nagpapakita ng mga nagtapos na may trabaho?
                        A. Manpower                                      C. Machinery
                        B. Marketing                                       D. Money
_____ 10. Ang obhektibo ay kabilang sa?
                        A. Input                                              C. Shotput
                        B. Output                                            D. Throughput

II.  Tama o Mali. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ng pangungusap ay tama at MALI kung ang pahayag ay mali.
______ 1. Layunin ng criterion-reference na malaman ang mahihinang mag-aaral sac lase.
______ 2. Ang item analysis ay nagbibigay ng kaalaman sa maayos na paggawa ng pagsusulit.
______ 3. Layunin ng criterion-reference nasukatin ang kakayahan ng isang mag-aaral.
______ 4. Ang isang item na may negatibong sagot ay kinakailangang iulit muli.
______ 5. Ang talahanayan ng espisipikasyon ay isang paraan upang makita ang obhektibo ng                       ginawang pagsusulit.
______ 6. Ang obhektibong pagsusulit ay may kahirapan sa paggawa.
______ 7. Ang pagsusulit na pagpapaliwanag ay madali lamang bigyan ng puntos.
______ 8. Ang correction ana formula ay ginagamit lamang sa apat na opsyon g pagsusulit.
______ 9. Ang maximum na items sa pagsusulit na pagtapat-tapatin ay dalawampu lamang.
______ 10. Ang pagsusulit na pagpapaliwanag ay nagdedebelop ng pag-unawa sa mag-aaral.
III. Pagpapaliwanag. Panuto: Isulat sa ibabang bahagi ang iyong paliwanag.

1.Ipaliwanag ang 7NCBTS domayns. (10 puntos)
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Gumawa ng tatlong obhektibo base sa iyong kurso gamit ang tatlong domayns.(10 puntos)
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Sa iyong sariling pagpapaliwanag. Ano ang mas maigi, criterion-reference o norm-reference? Bakit? (10 puntos)
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________





           
Inihanda ni:                                                                                        


KIMBERLY MARIE C. PADILLA                                 


Iwinasto nina:


AMELIA CAPELLAN-LACSAMANA
Instruktor, Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro



MARIA MARTHA MANETTE A. MADRID, Ed.D
Dekana, Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro




Hand 0Outs para sa Dula

PANPACIFIC UNIVERSITY NORTH PHILIPPINES
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Urdaneta City, Pangasinan

Paksa: Pagkakaunlad at Sulyap sa Nilalaman
( Panahon ng Katutubo at Panahon ng Kastila)


Sulating-ulat sa FIL 18BS DULAANG FILIPINO










Panimula

Sa kahulugan ng makabagong dula, masasabing hindi na dula ang mga sinaunang ritwal ang ating maipakahulugan. Wala itong mahahalagang elemento ng tunay na dula gaya ng tunggalian, pangunahing tauhan at kaisahan ng panahon, lugar at mga pangyayari.

Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula,nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring malungkot,masaya,mapagbiro, masalimuot at iba pa.
Nilalaman

I. Panahon ng Katutubo

Ang mimesis, na siyang pinakakaluluwa ng drama ay makikita sa mga ritwal ng katutubo. Ang mga ritwal na ito’y isinasagawa ng mga baylan ng panahong iyon. Ang klasikal na ideya ng impersonasyon ay mababanaag kapag sumasamba sila sa mga anito, o dili kaya’y sa isang mahikero (magician) na pinaniniwalaang nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan.
Ang mga baylan ay itinuturing na pinakamakapangyarihan sa tribo. Nakahihigit ang kanilang talino kung kayat nakasusulat sila ng mga bulong at nakalilikha ng awit at sayaw. Kadalasan sila ay nakasuot babae, dahil dito sila’y maaaring mapagkamalang babae.
Bukod sa baylan, nang mga panahong iyon ay mayroon ding tinatawag na katalonan. Ang mga ito’y nagpapanggap na mangkukulam. At dahil paniwalang-paniwala ang mga tao sa kanila, kung kaya’t ang kliyente ay nabubutas ang bulsa.
Ang mga manganawa ay nagkukunwaring nakapagpapagaling ng mga maysakit sa pamamagitan ng mga kung anu-anong gamot. Naririyan ang mangyisalat na nakapagbibigay ng kapangyarihan at kalutasan sa mga magsing-irog o mag-asawa.
Ang mga mangcocolam na pinaniniwalaang nakakagawa ng apoy sa kanilang katawan at ang may-ari ng bahay na mababagsakan nito’y magkaka-sakit at mamamatay.
Ang mga hokloban sa pamamagitan ng pagtuturo ay maaaring mamatay ang gustong patayin. Kaya nilang pagalingin ang isang taong nagkasakit, na sila rin ang may kagagawan.
Ang mga silagan, kapag nakakita sila ng taong nakasuot ng puti ay kanilang dinudukot ang atay at kinakain.

Ang mga mananaggal, na nahahati ang katawan. Ang ibabang bahagi ay nananatili sa lupa kaya’t kung makikita ay naglalakad ng walang katawan. Ang itaas na bahagi ay lumilipad at naghahanap ng mga binti na mabibiktima upang may panlaman tiyan. Muling bumabalik sa kalahating katawan bago sumapit ang umaga.
Ang mga aswang ay nakalilipad sa gabi, pumapatay ng tao at kinakain ang laman.
Ang manggagayuma, sa pamamagitan ng mga bato, dahon, o kahoy ay napapaibig ang isang tao.

II.










Dulang Panlansangan

Dulang SENAKULO

Dula Noong Panahon ng mga Espanyol Panlansangan isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.





PANUNULUYAN
Dula Noong Panahon ng mga Espanyol - prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay tungkol sa paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo.




Dulang Pantanghalan
KARILYO
Dula Noong Panahon ng mga Espanyol dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang karton. Pinapagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan.Ang mga taong nagsasalita ay nasa likod ng telon. Madilim kung palabasin ito sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao ay kanilang mga anino.


MORO-MORO
Dula Noong Panahon ng mga Espanyol 1. Dulang Panlansangan - isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.



Konklusyon

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ngating tradision. Mga tradisyong nagbibigay ng identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ngmga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mgamandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhayang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

Mga Sanggunian

Arrogante, Jose A. 1991. MAPANURING PAG-AARAL NG PANITIIKANG FILIPINO. Manila City: National Book Store, Inc.

Belvez, Paz M. et. al. 1994. WIKA AT PANITIKAN. Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
Kahayon, Alicia H. at Celia A. Zulueta. 2000. PHILIPPINE LITERATURE Through The Years. Mandaluyong City: National Book Store.



Inihanda nina:

PADILLA, Kimberly Marie C.
BANDARLIPE, Vicky Rose G.

Mga Obrang Filipino

Description: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgpffb4qllaCzRp-I0DMtqg7NMfFIVuKB7lQQdUH7_3ZrNBiI3YGQsfwY8SQrT9Fx5bTUHCvnVULHTp3yOUBznfr6ZLZE522vjqCpi0LgM98gOE0gaxUZY07yEHKEjGyG38Eho8rVsBLTfv/s400/SAN+JUAN+BOSCO.jpgURBANA AT FELIZA
Ni Padre Modesto de Castro



Si Feliza kay Urbana - Paumbong, Mayo 10, 185. . .
Urbana:
 Ngayong a-las-seis ng hapon na pinagugulong ng hari ng mga astro ang karosang apoy at itinatago sa bundok at kagubatan, ipinagkakait sa sangkapuluan ang kaliwanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat ng ginto ' t purpura; ang mundo ' y tahimik, sampo ng amiha ' y hindi nagtutulin, nagbibigay-aliw ang mga bulaklak at nangagsasabog ng bangong iningat sa doradong caliz ; ang lila ' t adelpa na itinanim mo sa ating pintuan; ang lirio ' t asusena; ang sinamomo ' t kampupot na inihanay mo ' t pinagtapat-tapat sa daang landas na ang tinutungo ' y ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nangagsisingiti ' t ang balsamong ingat ay ipinadadala sa hihip ng hangin; mapalad na oras na ipinaglilibanga ng kamusmusan at, ipinagpapasiyal sa ating halamanan.
Marahil Urbana ' y di mamakailang pagdating sa iyo ng oras na ito, ang alaala mo ' t buong katauhan ay nagsasauli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay ng mga bulaklak na anaki ' y pamuti sa parang linalik na


Si Urbana kay Feliza -Maynila
FELIZA: Tinanggap ko ang sulat mo nang malaking tuwa, nguni ' t nang binabasa ko na ' y napintasan kita ' t dinggin ko ang kadahilaran. Ang una ' y nabanggit mo si ama ' t si ina, ay di mo nasabi kung sila ' y may sakit o wala; nguni ' t pinararaan ko ang kakulangan mong ito, atdi kataka-taka sa gulang mo sa labindalawang taon; ang ikalawa ' y hindi ang buhay ko kung di ang buhay mo ang itinatanong ko, ang isinagot mo ' y ang pinagdaanan ng kamusmusan ta, at madlang matataas na puri sa akin, na di mo sinabi na yao ' y utang ko sa mabait na magulang natin at sa Maestrang nagturo sa akin. Nguni ' t pagdating sa sabing nagkukunot ang noo ko, at sa mga kasunod na talata, ay nangiti ang puso ko, nagpuri ' t nagpasalamat sa Diyos, at pinagkalooban ka ng masunuring loob.
Ngayo ' y dinggin mo namana t aking sasaysayin yamang hinihingi mo ang magandang aral na tinaggap ko, kay DoƱa Prudencia na aking Maestra. Natatanto mo, na ako ' y marunong nang bumasa ng sulat nang taong 185 . . . na kata ' y magkahiwalay. Pagdating ko rini, ang una-unang ipinakilala sa akin, ay ang katungkulan nating kumilala, mamintuho, maglingkod at umibig sa Diyos; ang ikalawa ' y ang kautangan natin sa ganang ating sarili; at ang ikatlo ' y


Si Urbana kay Feliza -Maynila
FELIZA:
 Ngayon ko tutupdin ang kahingian mo, na ipinangako ko sa iyo sa hulang sulat, noong ika. . .Sa mga panahong itong itinira ko sa Siyudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagkakatiwala ng magulang sa aking maestra, at ipinagbibilin na pagpilitang makatalastas ng tatlong dakilang katungkulan ng bata na sinaysay ko sa iyo. Sa mga batanga ito, na ang iba ' y kasing-gulang mo, at ang iba ' y humigit-kumulang diyan, ay napagkikilala ang magulang na pinagmulan, sa kani-kanilang kabaitan o kabuhalhalan ng asal. Sa karunungang kumilala sa Diyos o sa karangalan, ay nahahayag ang kasipagan ng marunong na magulang na magturo sa anak, o ang kapabayaan. Sa mga batang ito, ang iba ' y hindi marunong ng ano mang dasal na nalalaman sa doktrina kristiyana, na para baga ng Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan , na sa kanilang edad disin, ay dapat nang maalaman ng bata, kaya hindi makasagot sa aming pagdarasal o makasagot man ang iba ' y hindi magawing lumuhod, o di matutong umanyo, ng nauukol bagang gawin sa harapan ng Diyos. Sa pagdarasal namin, ay naglulupagi, sa pagsimba ' y nagpapalinga-linga, sa pagkain ay nagsasalaula, sa paglalaro ' y nanampalasan sa kapwa-bata,


Si Urbana kay Feliza - Maynila
FELIZA: Napatid ang huli kong sulat sa pagsasaysay ng tapat na kaasalan, na sukat sundin sa loob ng simbahan: ngayo ' y ipatutuloy ko. Marami ang nakikita, sa mga babaeng nagsisipasok sa simbahan, na lumalakad na di nagdarahan, nagpapakagaslaw, at kung marikit ang kagayakan, ay nagpapalingap-lingap, na aki ' y tinitingnan kung may nararahuyo sa kaniya. Marami ang namamanyo nang nanganganinag, nakabingit lamang sa ulo at ang modang ito ' y dala hanggang sa pakikinabang at pagkukumpisal.
Oh Felisa! Napasaan kaya ang galang sa santong lugar: napasan kaya ang kanilang kahinhinan! Diyata ' t lilimutin na ng mga babaeng kristiyano yaong utos ng simbahan, pakundangan sa mga angheles? Diyata ' t hanggang sa kumpisala ' y dadalhin ang kapangahasang di nagpipitagang itanyag ang mukha sa Sacerdote? May nakikita at makikipag-ngitian sa lalaking nanasok, ano pa nga ' t sampo ng bahay ng Diyos ay ginagawang pook ng pagkakasala.
Itong mga biling huli na ukol sa lalaki, ay ipahayag mo kay Honesto, na bunso tang kapatid. pagbilinan mo siya, na pagpasok sa simbahan, ay huwag makipag-umpukan sa kapwa-bata nang huwag mabighani sa pagtatawanan.


Si Urbana kay Feliza -Maynila
FELIZA: Sa alas-siete ' t kami ' y makasimba na, ay kakain kami ng agahan pagkatapos ay maglilibang-libang o maghuhusay kaya ng kani-kaniyang kasangkapan, sapagka ' t ang kalinisan at kahusayan, ay hinahanap ng mata ng taong nagising at namulat sa kahusayan at kalinisan. A-las-ocho, gagamit ang isa ' t isa ng aklat na pinag-aaralan; ang iba ' y darampot ng pluma, tintero ' t ibang kasangkapang ukol sa pagsulat, magdarasal na sumandai bago umupo sa pag-aaral, hihinging-tulong sa Diyos at kay Ginoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinag-aaralan: mag-aaral hanggang alas-diez, oras nang pagleleksyon sa amin ng Maestra; pagkatapos, magdarasal na ng rosario ni Ginoong Stanta Maria. Pag nakadasal na ng rosario, ako ' y nananahi o naglilinis kaya ng damit, at pag kumain ay iginagayak ko ang serbilyeta, linilinis ko ang tenedor, kutsara at kutsilyo, na ginagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito ' y kung makita ng Maestrang marumi, kami ' y pinarurusahan. Pagtugtog nang a-las-doce, oras nang aming pagkain ay pasasa-mesa kami, lalapit ang isa ' t isa sa kani-kaniyang luklukan, magbebendisyon ang Maestra sa kakanin, kaming mga bata ' y sumasagot na nakatindig na lahat, ang katawa ' y matuwid at iniaanyo sa lugal. Pagkarinig namin ng ngalang Jesus at Glora Patri , ay itinutungo namin ang


Si Feliza kay Urbana -Paumbong
URBANA: Si Honesto ' t ako ' y nagpapasalamat sa iyo, sa matataas na hatol na inilalaman mo sa iyong mga sulat. Kung ang batang ito ' y makita mo disin, ay malulugod kang di-hamak at mawiwika mo, na ang kanyang mahinhing asal ay kabati ng Honesto niyang pangalan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa kapwa-bata, hindi mabuyo sa pakikipag-away, at mga pangungusap na di-katuwiran. Mawilihin sa pag-aaral at sa pananalangin; pagka-umaga ' y mananaog sa halamanan, pipitas ng sangang may mga bulaklak, pinagsasalit-salit ang iba ' t ibang kulay, pinag-aayos, ginagawang ramilyete , inilalagay sa harap ng larawan ni Ginoong Santa Maria; isang asusena ang iniuukol sa iyo, isang liryo ang sa akin at paghahayin sa Reyna ng mga Virgenes, a y linalangkapan ng tatlong Aba Ginoong Maria. Kung makapagkumpisal na at saka makikinabang ang isip ko ' y angelito , na kumakain ng tinapay ng mga angheles, at nakita ko, na ang pag-ibig at puring sinasambitla ng kanyang inosenteng labi, ay kinalulugdan ng Diyos na Sanggol, na hari ng mga inosentes.
Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong pagsulat, at nang pakinabangan namin: Adyos, Urbana- Felisa .



Si Urbana kay Feliza -Maynila
FELIZA: Naisulat na sa iyo, ang madlang kahatulang ukol sa paglilingkod sa Diyos, ngayo ' y isusunod ko ang nauukol sa sarili nating katawan. Sabihin mo kay Honesto, na bago masok sa eskuwela ay maghihilamos muna, suklaying maayos ang buhok, at ang baro ' t salawal na gagamitin ay malins; nguni ' t ang kanilinisa ' y huwag iuukol sa pagpapalalo. Huwag pahabaing lubha ang buhok na parang tulisan, sapagka ' t ito ang kinagagawian ng masasamang-tao. Ang kuko ay huwag pahahabain, sapagka ' t kung mahaba ay pinagkakahiratilang ikamot sa sugat, sa ano mang dumi ng katawan, nadurumhan ang kuko, at nakaririmarim, lalung-lalo na sa pagkain. Bago mag-almusal, ay magbigay muna ng magandang araw sa magulang, maestro o sa iba kayang pinaka-matanda sa bahay.
Sa pagkain, ay papamihasahin mo sa pagbebendisyon muna, at pagkatapos, ay magpapasalamat sa Diyos. Kung madurumhan ang kamay, mukha o damit, ay maglinis muna bago pasa-eskuwela. Huwag mong pababayaan, na ang plana, materia, farsilla o regla, papel, aklat at lahat ng gagamitin sa paaralan ay maging dungis-dungisan. Kung makikipag-usap sa kapwa-tao ay huwag magpapakita ng kadunguan, ang pangungusap ay tutuwirin, huwag hahaluan ng lamyos o lambing, huwag kakamutkamota


Si Urbana kay Feliza -Maynila
FELIZA
: Itong mga huling sulat ko sa iyo, na may nauukol sa kalagayan mo, at ang iba ' y aral kay Honesto, ay ipinauunawa ko, na di sa sariling isip hinango, kundi may sinipi sa mga kasulatan, at ang karamihan ay aral na tinanggap ko kay DoƱa Prudencia, na aking Maestra: at siyang sinusunod sa eskuwela namin aya ibig ko disin, na sa ating mga kamag-anak, sa mga paaralan sa bayan at mga bario, * ay magkaroon ng mga salin nito at pag-aralan ng mga bata. Ipatutuloy ko ang pagsasaysay ng mga kahatulan.Bottom of Form
Si Honesto, bago pasa-eskuwela, ay pabebendisyon muna kay ama ' t kay ina; sa lansangan ay huwag makikialam sa mga pulong at away na madaraanan, matuwid ang lakad, huwag ngingisi-ngisi, manglilibak sa kapwa-bata, o lalapastangan sa matanda, at nang huwag masabi ng tao na walang pinag-aralan sa mga magulang. Kung magdaraan sa harap ng simbahan, ay magpugay, at kung nalalapit sa pintuan ay yuyukid. Pagdating sa bahay ng maestra ay magpupugay, magbibigay ng magandang araw, o magandang hapon, magdasal na saglit; sa harap ng mga santong


Si Urbana kay Felisa -Maynila
FELIZA: Sa malabis na kadunguan ng mga bata kung kinakausap ng matanda o mahal kayang tao, ang marami ay kikimi-kimi at kikiling-kiling, hindi mabuksan ang bibig, turuan mo, Felisa, si Honesto, na huwag susundin ang ganong asal, ilagay ang loob sa kumakausap, sagutin nang mahusay at madali ang tanong, at nang huwag kayamutan.
Kung mangungusap ay tuwirin ang katawan, ayusin ang lagay. Ang pagsasalita naman ay susukatain, huwag magpapalampas ng sabi, humimpil kung kapanahunan, at nang huwag pagsawaan. Kung nakikipag-usap sa matanda ma ' t sa bata, ay huwag magsabi ng hindi katotohanan, sapagka ' t ang kabulaanan ay kapit sa taong taksil o mapaglilo.
Ang pagsasalita ay sasayahan, ilagay sa ugali, ituntong sa guhit, huwag hahaluan ng kahambugan, at baka mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na sinagot ng kausap. Fuu, Fuu , na ang kahulugan ay, habagat, habagat. Huwag magpalamapas ng sabi at baka maparis doon sa isang palalo na sinagot ng kaharap: hintay ka muna, kukuha ako ng gunting at gugupitin ko ang labis.
Sa pakikipagharap, ay mabuti ang nagmamasid sa kinakausap, at kung makakita ng mabuting asal sa iba, at sa


Si Urbana kay Feliza - Maynila
URBANA:
 MINAMAHAL KONG KAPATID. Ang isang sulat ay isang pagsasalin sa papel ng nasa-isip at sa loob ipinagkakatiwala, at nang matanto ng pinagpapadalhan.
Ang sulat ay isang salitaan sa papel, kaya ang titik ay dapat linawan, at ang pangungusap ay ilagay sa ugali.
Kung ang sinusulatan ay kaibigan at kapahayagan ng loob, ay pahintulot na humaba ang sulat, palibhasa ' y marami ang masasaysay.
Kung ang ibig-sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di kaibigan, hindi karampatan ang magsaysay ng ibang bagay.
Ang sulat ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang pakikipag-usap.
Iba ang sulat ng mataas sa mababang tao, at ng mababa sa mataas: iba ang sulat ng matanda sa bata, at ng bata sa matanda.
Ang galang na kailangang gamitin ng bata sa matanda hindi kailangan sa sulat ng matanda sa bata; maliban na lamang, kung sa bata ay may nakikitang bagay na sukat-igalang.


Si Urbana kay Felisa - Maynila
FELIZA:
 Alinsunod sa sinabi ko sa iyo na ako ' y magpapadala ng mga panuto sa pagsulat, ipababasa mo kay Honesto itong mga kasunod.
Pupunuan ng mayusculas ang mga pangalan at apellido ng tao, kaparis ng Francisco Baltazar ; ang sa mga kaharian, siyudad, bayan, lalawigan, bundok, dagat, ilog, batis, para ng EspaƱa, Maynila, Binyang, Batangas, Arayat Oceano, Pasig, Bumbungan; gayon di ang ngalan ng karunungan, para ng Teologia, ng Artes , para ng Gramatica, Poesia; gayon din ang ngalan ng mga katungkulan, para ng General, Papa, Arzobispo.
Gayon man kung sa oracion o isang sabing buo ang mga ngalan ng karunungan, artes , at iba pang sinabi ko, ay di pinagkapangulo, ay pupunuan ng letrang munti, kaparis nitong halimbawang kasunod; si Benito at si Mariano ay kapwa nag-aaral sa pandayan.
Feliza, turuan mo si Honesto nang matutong maglagay sa sulat ng mga notas o tanda. Ang mga notas ay ito: Coma (,): Punta y coma (;): Dos puntos (:): Admiracion (!): Interrogacion (?): Parenthesis ( ): Puntos suspensiros

Si Urbana kay Feliza - Paumbong
URBANA:
 Tinanggap ko ang mga sulat mo at ako ' y napasasalamat sa iyo at kami ni Honesto ay pinagsasakitan mong matuto.


















Description: https://encrypted-tbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQlQI6vaAfr3k-877jCqeGJG-7QbP_L-Mg5rX9TMuxT_w7YkWhCKg
a mi madre-
pedro paterno

a mi sisters
 pedro paterno

He venido a ser extraƱo a mis hermanos, y extranjero para los hijos de mi madre
Psalms 69.8
Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.
Psalms 69.8

Y mirando a los que estaban sentados alrededor de Ć©l, dijo: --He aquĆ­ mi madre y mis hermanos
Mark 3.34
At paglingap niya sa nangakaupo sa palibot niya, ay sinabi niya, Narito, ang aking ina at aking mga kapatid!
Mark 3.34
A la fosa digo: "TĆŗ eres mi padre", y a los gusanos: "Mi madre y mi hermana.
Job 17.14
Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
Job 17.14

Pero tĆŗ eres el que me sacĆ³ del vientre; me has hecho estar confiado desde que estaba a los pechos de mi madre
Psalms 22.9
Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.
Psalms 22.9
Maldito sea el dĆ­a en que nacĆ­; no sea bendito el dĆ­a en que mi madre me dio a luz
Jeremiah 20.14
Sumpain ang araw na kinapanganakan sa akin: huwag pagpalain ang araw na kinapanganakan sa akin ng aking ina.
Jeremiah 20.14

Y a la verdad, tambiĆ©n es mi hermana. Ella es hija de mi padre, pero no de mi madre; asĆ­ que la tomĆ© por mujer
Genesis 20.12
At saka talagang siya'y kapatid ko, na anak ng aking ama, datapuwa't hindi anak ng aking ina; at siya'y naging asawa ko:
Genesis 20.12
¿De dĆ³nde se me concede esto, que la madre de mi SeƱor venga a mĆ­
Luke 1.43
At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin?
Luke 1.43

Jacob dijo a Rebeca su madre: --He aquĆ­ que EsaĆŗ mi hermano es hombre velludo, y yo soy lampiƱo
Genesis 27.11
At sinabi ni Jacob kay Rebeca na kaniyang ina, Narito, si Esau na aking kapatid ay taong mabalahibo, at ako'y taong makinis.
Genesis 27.11
DejarĆ©is vivir a mi padre, a mi madre, a mis hermanos, a mis hermanas y a todos los suyos, y librarĆ©is nuestras vidas de la muerte
Joshua 2.13
At inyong ililigtas na buhay ang aking ama, at ang aking ina, at ang aking mga kapatid na lalake at babae, at ang lahat nilang tinatangkilik, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan.
Joshua 2.13

Y dijo a su padre: --¡Mi cabeza, mi cabeza! Y el padre dijo a su criado: --LlĆ©valo a su madre
2 Kings 4.19
At kaniyang sinabi sa kaniyang ama, Ulo ko, ulo ko. At sinabi niya sa kaniyang bataan, Dalhin mo siya sa kaniyang ina. 



























“Baka makikipag-away ka na naman,” tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula kinatatalungkuang giray na batalan, saglit iyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.

“Hindi ho,” paungol niyang tugon.

“Hindi ho...” Ginagad siya ng kanyang ina. “Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo’y lagi ka ngang mababasag-ulo.”

May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Pulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.

Isinaboy niya ang tubig na naa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis ang mga palad at maghilamos.

“Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo,” narinig niyang bilin ng ina. “Wala nang gatas si Boy. Eto’ng pambili.”

Tumindig na siya. Nanghihimad at naghihikab na itinaas ang mahabang kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangan na siyang lumakad. Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod.

Umiingit ang sahig ng kanilang barung-barong nang siya’y pumasok.

“Nariyan sa kahon ang kamiseta mo.”

Sa sulok ng kanyang kaliwang mata’y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na gris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo.

“Mam’ya, baka umuwi ka na namang... basag ang mukha.”

Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumusunod sa kanya. Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi.
May pitong taon na si Kano. Siya nama’y maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahaba ang kanyang biyas.

Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang damit nila nina Kano, Boyet, at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat.

“Yan na’ng isuot mo.” Parang nahulaan ang kanyang iniisip.

Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit ngayo’y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsek-beho kapag suot iyon ngunit wala naman iyang maraming kamietang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada; mahina rin ang kita niya sa pag-aagwador.

Nagbalik siya sa batalan. Nang siya’y lumabas, paan na niya ang kargahan. Tuloy-tuloy niyang tinungo ang hagdan.

“Si Ogor, Impen,” pahabol na bilin ng kanyang ina. “Huwag mo nang pansinin.”

Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang madapa sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.

Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang makikioagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon iyon; basagulero. Lagi niyang iinasaisip ang mga bilin nito ngunit adya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag narinig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.

Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsimula ng panunukso.

“Ang itim mo, Impen,” itutukso nito.

“Kapatid mo ba si Kano?” isasabad sa mga nasa gripo.

“Sino bang talaga ang tatay mo?”

“Sino pa,” isisingit I Ogor, “di si Dikyam.”

Sasambulat na ang tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang kinikilalang hari sa gripo.

“E, ano kung maitim?” isasagot niya.

Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon : “Tingnan mo’ng buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo’ng ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso. Namamalirong!”

Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinabi sa sarili. Negro nga siya. E, ano kung Negro? Ngunit napipikit siya. Ang tatay niya’y isang sundalong Negro na nang maging anak siya’y biglang nawala sa Pilipinas.

Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ang pinagmulan ng nakaraan nilang pagbababag ni Ogor, ay ang inabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang kanyang ina?)

“ari-sari ang nagiging kapatid ni Negro,” sinabi ni Ogor. “Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!”

Noong dinadala ng kanyang ina ang kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang barung-barong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At iya ang napagtuunan ng sari-saring panunukso.

Natatandaan niya angmga panunuksong iyon. At mula noon, nagsisimula nang umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati’y binhi lamang ng isang paghihimagsik, nagsuumigaw na panghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa.

Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang tinatalunton ang mababatong daan, patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barung-barong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi, nababasa niyang isinisigaw ng mga paslit, Negro!

Napatungo na lamang siya.

Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharutan.

Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula’t mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailan man binigyan ng pagkakataongmaging kaibigan.

Halos kasinggulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor. Tuwid ang tindig nito at halos, hindi yumuyuko kahit may pang balde ng tubig, tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.

Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulong tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahan niyang inalis ang pagkakawit ng mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana’y huwag siyang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador.

Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod niyang maong. At may isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw ay malaki-laki rin naman ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang lugar. AT bihira ang may poso.

Tanghali na akong makauuwi nito nausal niya habang binibilang niya sa mata ang mga nakapilang balde. Maluwang ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila’y nasa labas pa niyon.

Di kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging yerong medya agwa ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng damit, at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay. May kumakain ng halu-halo.

Sa pangkat na iyon ay natutok agad ang kanyang paningin kay Ogor. Pinilit niyang supilin ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti na rin iyon kahit nakabilad a araw. Pasasaan ba’t di iikli rin ang pila, nasaisip niya. Makakasahod din ako.

Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang sigaw mula sa tindahan :

“Hoy, Negro, sumilong ka baka pumuti!”

Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na naman.

“Negro,” muli niyang narinig, “sumilong ka sabi, e baka ka masunog!”

Malakas ang narinig niyang tawanan. Ngunit hindi pa rin siya lumingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod sa balde, ngunit ang isip niya ay ang bilin ng ina, na huwag na raw niyang papansinin si Ogor. Bakit ba niya papansinin si Ogor?

Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At habang umuusad ang pila, nararamdaman niya lalo ang init ng araw. Sa paligid ng balde, nakikita niya ang kanayng anino. Tumingala siya ngunit siya’y nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang batok, likod at balikat.
Namumuo ang pawis sa kanyang batok at sa ibabaw ng kanyang ilong.

Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan at isinawak ang kamay sa nalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat, ang mga bisg. May nadama siyang ginhawa. Ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal, muli niyang naramdamang tila nangangalirang na naman ang kanyang batok at balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balat.

“Negro!” Napatuwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya ang nagsalita. Si Ogor. “Huwag ka nang magbilad. D’on ka sa lamig.”

Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakitang ngingisihan siya nito.

Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni Ogor. Napabuntunghininga siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde.
Sa wakes, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sana siyang bumalik…

May galak na sumuusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng sinundang balde. Susunod na siya.

Makakasahod na siya. Makakasahod na rin ako, sabi niya sa sarili. Pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng gatas.

Datapuwa’t, pagkaalis ng balding hinihintay niyang mapuno, at isasahod na lamang ang a kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang balikat. SI Ogor ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang pinaghatdan nito ng tubig.

“Gutom na ako! Negro,” sabi ni Ogor, “Ako muna.”

Pautos iyon. Saglit siyang hindi nakakibo.
Natingnan lamang niya si22 Ogor. Iginitgit ni Ogor ang balde at kumalantog ang kanilang mga balde.

Iginitgit niya ang kanyang balde bahagya nga lamang at takot siya sa paggitgit. Kadarating mo pa lamang, Ogor nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a.

“Ako muna sabi, e.” giit ni Ogor.

Bantulot niyang binawi ang balde. Nakatingin pa rin si Ogor. Itinaob niya ang kakaunting nasahod ng balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabot sa mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor.

“Ano pa bang ibinubulong mo?”

Hindi na niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanyang kanang pisngi sa labi ng nabitiwang balde. Napasigaw siya. Napaluhod siya sa madulas na semento, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi.
Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa… Mapula… Dugo!

Nanghihlakbot siya. Sa loob ng ilang saglit hindi na niya maulit na salatin ang biyak na pisngi. Mangiyak-ngiyak siya.

O…gor … O …gor” Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. “Ogor!” sa wakes ay naisigaw niya.

Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagkakasigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal ang lahat ng balding lalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata ang mga pang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya.

Bigla siyang bumaligtad. Nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakakaakma ang mga bisig.

“Ogor”

Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya. Pumulas ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw siya. Umiiyak siyang gumulong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha’y larawan ng matinding sakit.

Matagal din bago napawi ang paninigas sa kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang kanayng mga mata nang siya’y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento.

Si… Ogor. Sa mula’t mula pa’t itinuturing na siya nitong kaaway. Bakit siya ginaganoon ni Ogor? Bakit? Bakit?

Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat.

Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nagyakap sila. Pagulong-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya’y mapaibabaw, sunod-sunod niya Dagok, dagok, dagok, dagok, dagok, dagok… pahalipaw… papaluka…papatay.

Sa pook na iyon, sa nakakarimarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila.
Maruming babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak . At siya, isang maitim, hamak na Negro… Papatayin niya si Ogor… papatayin. Papatayin.

Dagok. Dagok, dagok… Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit makaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap siya naman ang napailalim. Dagok, dagok, Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya sa araw. Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa ngunit wala siyang nararamdamang sakit!

Nakakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano… si Boyet… Si Diding… at siya… Negro, Negro, Negro!

Sa mga dagok ni Ogor tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos- lakas at nag-uumuti siyang umigtad. Dagok, dagok, bayo, bayo, dagok, bao… kahit saan. Sa mukha.. Dagok, dagok, dagok, dagok…

Mahinana si Ogor. Lupaypay na.
Nalaglag na ang nagsasangang kamay. Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo…

Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor.

“Impen…”

Muli niyang itinaas ang amay. Dagok.

“I-mpen…” halos hindi na niya naririnig ang halinghing ni gor. “I-mpen, suko n-na…a-ako…s-suko na na … a-ako!”

Naibaba niya ang nakataas na kama. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya. Abut-abot ang paghingal. Makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likd. May basa ng dugo’t lupa ang kanyang nguso.

Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Walang nakakibo sa mga agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga it. Ang nababakas niya’y paghanga. Ang nakita niya’y pangingimi.

Pinangingimian siya!

May luha siya sa mga mata ngunitmay galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagud niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay, ang tatag… ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha.Sa matinding sikat ng araw. Tila siya isang mandirigmang sugatan ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.
























“Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?”
ni Lualhati Bautista
Description: http://itsme2012.files.wordpress.com/2012/02/batabatapaanokaginawa.jpg?w=627&h=904Ang pelikulang ito ay hango sa kwento ng buhay ng isang ina, Lea Baustista, na may dalawang anak – isang batang babae at isang batang lalaki – makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan at kung paano gaganapin ng isang ina na maging magulang sa makabagong panahon.
Nag-umpisa ito sa pagtatapos ng anak na babae ni Lea sa kindergarten na si Maya kung saan nagkaroon ng pagdiriwang sa kanilang bahay. Si Lea ay hiwalay sa kanyang unang asawa na si Raffy na syang ama ni Ojie. Sa panahong iyon, may bagong kinakasama na si Lea pero hindi sila ganap na mag-asawa sapagkat hindi sila kasal at yun ay si Ding. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea – kasama ang kanayang mga anak, mga kaibigan, at sa katunaya’y nakikipagtulungan pa siya sa isang samahan para sa pangkarapatang-pantao. Subalit sa kalaunan habang lumalaki na sina Ojie at Maya, nagbabago na rin ang pag-uugali ng mga ito. Mas nakikita na nila ang buhay nila sa hinaharap.
Nang bumalik si Raffy, balak sana niyang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot ni Lea baka kapwa kuhanin ng kani-kanilang ama ang kanyang dalawang anak. Pero hindi ito naging dahilan upang ipaggiit at higpitan ang kanyang mga anak. Sa katunayan pa nga ay ang mga anak mismo ni Lea ang kanyang pinapapili kung saan sila sasama kung darating ang panahon na sila’y kukunin na ng kani-kanilang ama.
Sa huli , pinili pa rin nina Ojie at Maya na sumama sa kanilang ina. Para sa pagtatapos, si Lea ay dumalo sa isang recognition, kung saan naging panauhing pandangal siya. Nagbigay si Lea ng talumpati patungkol sa kung paano umiiral at kung gaano kabilis ang buhay ng tao. Madali magkaroon ng anak, pero ang mahirap ay kung paano mo sila palalakihin bilang isang disente at makataong mamamayan. Hindi wakas ang pagtatapos sa paaralan, dahil dito pa lamang nagsisimula ang panibagong buhay na tatahakin ng isang tao.
Reflection.
Maraming mensahe ang pinaparating ng pelikulang ito para sa mga manonuod. Nagpapakita ito na walang sinuman sa atin ang may alam ng lahat.
Hindi lahat ng tao o bagay ay nakokontrol ng isang tao. Habang tayo ay lumalaki, mas dumarami ang kaalaman na ating nakukuha hindi lamang sa ibang tao, kundi na rin mula sa ating sariling buhay. Hindi pwede na lagi nalang tayong masaya, kailangan rin nating maging malungkot, magalit at dumanas ng problema dahil sa pamamagitan nito mas nababatid natin kung gaano kaganda ang buhay ng tao. Panindigan ang mga bagay na alam mong tama, huwag ikakahiya ang katotohanan dahil dito nakikita ang pagiging totoo ng isang tao.
Ang pagpapahalaga sa mga magulang ang isa sa mga mensahe ng kwentong ito. Ang tanging tao na nangalaga sa atin mula sa pagsilang hanggang sa paglaki ay makikita lamang natin sa katangian ng ating mga magulang. Gaano man kahirap ang buhay tinitiis pa rin nila ito upang mabigyan ang kanilang mga anak ng magandang buhay para sa hinaharap. Sa pelikulang ito, makikita natin ang pagsasakripisyo ni Lea para sa kaniyang mga anak dahil mahal na mahal nya ito at gusto niyang mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Isa sa mga dahilan kung bakit sila nandito sa mundo ay para alagaan at hubugin ang kanilang mga anak.
Maganda at masaya magkaroon ng pamilya’t anak. Ang mahirap ay kung paano mo sila palalakihin bilang isang disente at makatao para sa bayan. Kaya naman para sa akin tinuturing kong bayani ang mga magulang ko lalong lalo na ang aking ina. Dahil napalaki niya ako ng maayos kahit na mahirap ang buhay. Ang ina ko ang nagmulat sa akin kung paano mabuhay sa mundo na maging matatag at huwag magpaapi.
















ANG MGA MATA MO
Ni Clodualdo Del Mundo

Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'y
Ipinanghiram ka ng mata sa tala,
Dalawang bituing sa hinhi'y sagana
Ang naging mata mong mayaman sa awa.

Sa mga mata mo'y aking nasisilip
Ang bughaw na pilas ng nunung̃ong lang̃it,
Mababaw na dagat ang nasa sa gilid
Na ang naglalayag ay pusong malinis.

Di ayos matalim, ni hugis matapang,
Ni hindi maliit, ni di kalakihan,
Ang  mga mata mo'y maamo't mapungay.

Kahinhina't amo ang nanganganinag,
Kalinisa't puri ang namamanaag,
Umaga ang laging handog mo sa palad.


ang mga mata mo
eyes of yours

dalawang bituin
two stars

mababaw na dagat
shallow ocean

pusong malinis
clean heart

Sa Pula, Sa Puti Ni Francisco "Soc" Rodrigo

Description: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgeVW58GJw4ziYQmnx45nfi34kynCgWzqi6Vino3hjCDpt7NGVh__GFeFJBc5gXrqxR4RxiGXm0-qLvMX7A5CpTp5Yu6Dx_po9UxyQ-dQopPm-n5tnMyqvGmOlQd73IgA11QP219GyWta1a/s200/ro.jpg



Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)






































Ang kuwento ni mabuti ni Genoveva Edroza-Matute: 

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo. at sa kanyang buhay. Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. 

Sa isang paraangalirip, iyon ay nagging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay. "Mabuti," ang sasabihin niya," ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo nsa bahaging to Mabuti Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya akonginsangt lumuluha nang hapong iyon'y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin. Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. "Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. "Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong ako." Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao rito"..naparito ako upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo'y siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nng bigla kong makaalala. "Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa sulok na iyon naĆ¢€¦iniiyakan ko?" Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; "ang sulok na iyon na . . . iniiyakan natin. . . nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:"sanay'y masabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin. .kailanman. Ang ibig kong sabihin ay . . maging higit na mabuti sana sa iyo ang. . .buhay." Si Mabuti'y nagging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglkalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kuing nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong. . .aming dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinsabi. Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. 


Bawat aralin naming sa panitikan ay nagging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako'y humanga. Wala iyon bdoon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi nagging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na kiaraniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buonmg panahon ng pag-aaral naming sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak.. .nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa akingt isipan ang isang hinala. 

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang ama!" Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang bagau ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang.
















































 Katapusang Hibik ng Supremo - tula ni Roger G. Mangahas.


Kaypanglaw ng pook, makahoy, maburol,
wala pang liwayway, aso’y umalulong;
nabalikwas kami… kaluskos ng daho’y
sinundan ng putok, liparan ng ibon.

Silang sumalakay – o, kaylungkot-lungkot!
di pala banyagang sa baya’y sumaklot:
saksak sa leeg ko at punglong tumagos--
mula kapatid pang naglilo, nag-imbot!

Sa tigang na lupa’y nadilig ang dugo
mula sa dibdib kong may ibong yumuko;
hinintay pa nilang hinga ko’y mapugto
saka yaong ahas sa dilim nagtago.

O, Bayan, dinggin mo’ng katapusang hibik
hanggang may bundok pa’t punong may pandinig;
ang katotohana’y iigpaw, di lingid,
mithi mong paglaya’y baon ko sa langit!



--ROGELIO G. MANGAHAS