BUWAN NG WIKA:
“Filipino:WIKA ng pagkakaisa”
Ang Unibersidad
ng Panpacific University North Philippines ay muli na namang ipinagdiwang ang
isa sa mga pinakahihintay na okasyon ng mga mag-aaral upang ipamalas ang
kanilang kakayahan o talento sa mga ibat-ibang uri ng pagpapahayag sa
pamamagitan ng sariling wika na alinsunod ito sa paksang diwa: “FILIPNO:WIKA ng pagkakaisa”
Ang nasabing
tema ng buwan ng wika ay nagsilbing ugat ng programa upang gisingin ang
kamalayan ng mga musmos na kaisipan ang kahalagahan ng ating Inang Wika sa
kanilang araw-araw ng pagsasalamuha sa lipunan. Ito rin ay naging pamantayan ng
talakayan para sa mabisang pagturo na may kinalaman hinggil sa mga rehiyonal na
dayalekto at sa ang paggamit ng mga akmang genre
Nagsimula ang
programa sa buwan ng Agosto, 2014 sa silid-aralan ng mga mag-aaral na nasa una
at ika-apat na lebel. Nagkaroon ng munting talakayan at orientasyon patungkol
sa tema at sa planong mangyayari sa loob ng isang buwan na pinangunahan
ni Bb. Maria Martha Mannette Madrid, [Dekana].
Ika-18 ng Agosto
naganap ang patimpalak na sanaysay na
inumpisan sa oras na 9:00-10:00 ng umaga na ginanap sa University Library na
Pinangasiwaan ni Gng. Rolanda Paris na sa huli ang unang gantimpla ay nakuha nina Cares
Hanarell O. Casuncad at Shirlyn Rivera ang pangalawang gantimpala naman ay
napunta kay Christensen Angelo T. Najorda at
Jelly Rose G. Suprad.
Samantalang
noong ika-19 ng Agosto (Martes) isinagawa ang patimpalak na Pagsulat ng tula
kung saan ang bawat kalahok ay ipinamalas ang angking katalinuhan sa paggawa ng
nasabing patimpalak.Idinaraos ang aktibidad na ito sa University Library na
Pinamunuhan ni Gng. Japeth Purisima. Tuloy tuloy parin ang pagdiriwang ng Buwan
ng Wika at noong Ika-20 ng Agosto
(Miyerkules) naganap naman ang Paglikhang Poster/Islogan. Dito sa aktibidad na
ito sumali ang mga estudyanteng may natatanging abilidad sa larangan ng sining
.Sadyang kahali halina ang mga nagawang mga poster/slogan ng mga kalahok ngunit
si Sabino Carino ang may di matatawarang galing
sa sining.Siya ang nagkamit ng unang gantimpala. Sa sumunod na araw naganap naman ang Biglaang Talumpati ito ay
sa Buwan ng Agosto 29 2014 na Pinamunuhan ni Bb. Amella Capellan at ang
Pinagdausan ay sa PB. 214 , dito nagtagisan ng taleno ang bawat kalahok upang
sila ay magwagi sa patimpalak na ito pero mas nangibabaw ang kagalingan ng
mananalumpating si Jhamil Ocampo na nakuha ang unang gantimpala at ang
pangalawang gantimpala naman ay napunta kay Jenalyn Galvez.Siyempre sa
pagpupugay sa ating wika hindi mawawala ang katutubong sayaw dahil parte ito ng
ating kultura kung saan mas nakikilala tayo saan mang panig ng mudo dahil sa
ating wika at katutubong sayaw na kung saan ito ay kakaiba sa lahat. Ang
Paligsahan ng katutubong sayaw ay nangyari sa Sekyon ng BEED 1. Dito nagtagisan
naman ang mga estudyante na hindi maikakailang may iba’t ibang istilo sa
pagsayaw. Buong indak ang BSE 2A kaya naman sa kanila napunta ang unang
gantimpala, katulad ng nagkamit ng unang gantimpala hidi maikakailang ginawa ng
Buong pusong sumabay sa awit ang Bse 3
kaya naman nakuha nila ang pangalawang gantimpala at ang pangatlong gantimpala
naman ay nakamit ng BSE 1A.Sumunod na araw naganap ang patimpalak na “A
Capella” na ang namuno ay si Gng. Rolando Paris. Ang nasabing patimpalak ay
nangyarin sa silid aralan ng Bse 1A. Ang nagkamit ng Pangatlong gantimpala ay
naggaling sa BSE 1A. At ang Pangalwang gantimpala ay mula sa BEED 2. At ang mas
nangibabaw sa patimpalak na ito ay ang Bse 2A.
Bago matapos ang
programa sa nasabing pagdiriwang ay may huling aktibidad na naganap ito
ay ang “Sabayang Pagbigkas” .Nakilahok
ang mga estudyanteng may galing sa pagbibigkas ng iba’t ibang piyesa mula sa mga kilalang mga awtor. Masasabing
lahat ng sumali ay mahuhusay pero
mas nakitaan ang BSE 2b na siyang unang
nagkamit ng gantimpala dahil sa natatanging galing nila sa maturang patimpalak
at ang pangalawang gantimpala naman ay nasungit ng BSE 1B. Lahat ng nakilahok sa mga aktibidad sa ating
pagdiriwang ay pawang mahuhusay dahil sa kanila mas naging maganda ang takbo at
mas naging makulay at ating buwan ng wika.
Wala nang mas
hihigit pa sa ating wika kayaman natin
ito bilang isang Pilipino. Ito ang tatak at simbolo natin at siyang nagbibigkis
sa atin bilang isang Pilipino na masasabi natin na tayo’y Pinagpala dahil sa
ating wika.Pagyamanin at Ipagmalaki pa natin iton upang mas angat tayo sa iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento