PANPACIFIC UNIVERSITY NORTH PHILIPPINES
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Urdaneta City, Pangasinan
Paksa: Pagkakaunlad at Sulyap sa Nilalaman
( Panahon ng Katutubo at Panahon ng Kastila)
Sulating-ulat sa FIL 18BS DULAANG FILIPINO
Panimula
Sa kahulugan ng makabagong dula, masasabing hindi na dula ang mga sinaunang ritwal ang ating maipakahulugan. Wala itong mahahalagang elemento ng tunay na dula gaya ng tunggalian, pangunahing tauhan at kaisahan ng panahon, lugar at mga pangyayari.
Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula,nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring malungkot,masaya,mapagbiro, masalimuot at iba pa.
Nilalaman
I. Panahon ng Katutubo
Ang mimesis, na siyang pinakakaluluwa ng drama ay makikita sa mga ritwal ng katutubo. Ang mga ritwal na ito’y isinasagawa ng mga baylan ng panahong iyon. Ang klasikal na ideya ng impersonasyon ay mababanaag kapag sumasamba sila sa mga anito, o dili kaya’y sa isang mahikero (magician) na pinaniniwalaang nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan.
Ang mga baylan ay itinuturing na pinakamakapangyarihan sa tribo. Nakahihigit ang kanilang talino kung kayat nakasusulat sila ng mga bulong at nakalilikha ng awit at sayaw. Kadalasan sila ay nakasuot babae, dahil dito sila’y maaaring mapagkamalang babae.
Bukod sa baylan, nang mga panahong iyon ay mayroon ding tinatawag na katalonan. Ang mga ito’y nagpapanggap na mangkukulam. At dahil paniwalang-paniwala ang mga tao sa kanila, kung kaya’t ang kliyente ay nabubutas ang bulsa.
Ang mga manganawa ay nagkukunwaring nakapagpapagaling ng mga maysakit sa pamamagitan ng mga kung anu-anong gamot. Naririyan ang mangyisalat na nakapagbibigay ng kapangyarihan at kalutasan sa mga magsing-irog o mag-asawa.
Ang mga mangcocolam na pinaniniwalaang nakakagawa ng apoy sa kanilang katawan at ang may-ari ng bahay na mababagsakan nito’y magkaka-sakit at mamamatay.
Ang mga hokloban sa pamamagitan ng pagtuturo ay maaaring mamatay ang gustong patayin. Kaya nilang pagalingin ang isang taong nagkasakit, na sila rin ang may kagagawan.
Ang mga silagan, kapag nakakita sila ng taong nakasuot ng puti ay kanilang dinudukot ang atay at kinakain.
Ang mga mananaggal, na nahahati ang katawan. Ang ibabang bahagi ay nananatili sa lupa kaya’t kung makikita ay naglalakad ng walang katawan. Ang itaas na bahagi ay lumilipad at naghahanap ng mga binti na mabibiktima upang may panlaman tiyan. Muling bumabalik sa kalahating katawan bago sumapit ang umaga.
Ang mga aswang ay nakalilipad sa gabi, pumapatay ng tao at kinakain ang laman.
Ang manggagayuma, sa pamamagitan ng mga bato, dahon, o kahoy ay napapaibig ang isang tao.
II.
Dulang Panlansangan
Dulang SENAKULO
Dula Noong Panahon ng mga Espanyol Panlansangan isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.
PANUNULUYAN
Dula Noong Panahon ng mga Espanyol - prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay tungkol sa paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo.
Dulang Pantanghalan
KARILYO
Dula Noong Panahon ng mga Espanyol dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang karton. Pinapagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan.Ang mga taong nagsasalita ay nasa likod ng telon. Madilim kung palabasin ito sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao ay kanilang mga anino.
MORO-MORO
Dula Noong Panahon ng mga Espanyol 1. Dulang Panlansangan - isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
Konklusyon
Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ngating tradision. Mga tradisyong nagbibigay ng identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ngmga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mgamandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhayang mga pangyayari sa buhay Pilipino.
Mga Sanggunian
Arrogante, Jose A. 1991. MAPANURING PAG-AARAL NG PANITIIKANG FILIPINO. Manila City: National Book Store, Inc.
Belvez, Paz M. et. al. 1994. WIKA AT PANITIKAN. Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
Kahayon, Alicia H. at Celia A. Zulueta. 2000. PHILIPPINE LITERATURE Through The Years. Mandaluyong City: National Book Store.
Inihanda nina:
PADILLA, Kimberly Marie C.
BANDARLIPE, Vicky Rose G.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento